Wednesday, April 30, 2008

Ang Aking Misyon

Naisipan kong gumawa ng aking blog 
Dahil gusto kong ihayag ang aking mga hirap sa abroad
Isa lang ako sa mga libu libong biktima  ng iligal na mga recruiter

Bakit walang ginagwa ang gobyerno sa mga kumpanyang ito
Tila walng gstong gumawa ng aksyon
Puro pulitika na lang ang kanilang alam
At sila sila pa ang nagpapatayan

Napakasama ng aking loob at nagsisisi
Dahil may maganda ako trabaho at ipinagpalit sa pag aabroad

Kapag may dumadating kasing mga galing sa abroad
Ay madami silang mga pasalubong at mga chokolates
Para bang ang yayaman na nila at lagi nilang sinasabi 
Na madali lang ang pera sa abroad

Napakaraming ang naiinggit sa mga galing abroad
Dahil marami silang pero at magaganda ang kanilang mga damit
Nakakabili sila ng kotse at magaganda ang bahay


Tuesday, April 29, 2008

Ang Aking Mga Sulat

Kahit hindi maganda ang aking sitwasyon dito ay
Sinasabi ko sa pamilya ko na maayos ang buhay dito
At maliit lang ang sweldo ko kaya di ako nakakapagpadala ng pera

Kapag ako ay nalulungkot sa gabi ay
Gunagawa ako ng kung anong anong sulat
Tungkol sa mga nagyayari sa akin at sa mga ibang pilipino dito

Minsan ay natatakot ako dahil baka hulihin ako agad
Kaya hindi ako masyado nakikipag usap sa ibang tao
Kahit pa kilalang kilala ko
Dahil minsan ay ung kaibigan mo pa ang magsusumbong sa iyo
Para sila ay makatanggap ng reward na pera kapag may na isumbong

Sa gabing napakatahimik ay wala akong magawa 
Kundiman magsulat o mangarap ng gising
Lumilipas ang araw ko at tinitibayan na lang ang loob


Monday, April 28, 2008

Naloko Ako

Binenta ko bahay at lupa sa pilipinas at umalis sa maganda kong trabaho
Naniwala ako sa isang ahente na nangako sa aking bibigyan ng trabaho sa ibang bansa
Pero pagdating ko doon ay nireject ang aking mga papeles at iligal daw
Ako ngayon ay napadpad kung saan saan
Nagtatrabaho ng palihim at minsan ay kulang pa aking kinikita

Ayoko pang umuwi dahil baon kami sa utang ng pamilya ko
At wala akong mukhang ihaharap sa kanila
Kahit mahirap pa ako sa daga dito ay tinitiis ko
Magkaroon lamang ng pag-asa para umasenso

Naranasan kong matulog sa kalye at mamalimos
Manghingi ng pagkain
Madami na rin ang kapwa pinoy na tumulong sa akin
Pero dahil ako ay kolorum ay wala silang magagawa

Ako ngayon nag tatrabaho ng pasikreto sa isang talyer
Palihim na sinuswelduhan at konting konti lang ang nasosobra ko

Napakalungkot dito lalu na pag gabi wala akong makausap
Tinitipid ko ang aking binibiling pagkain para makaipon lamang

Puro under da table ang aking mga sideline dito
Sa tulong ng ilang mga magagandang loob
Nakakaraos na rin ako

Wala pa ako balak umuwi at gsto ko munang magipon
Wala akong binibili dito kundi mga murang pagkain
Dahil gusto kong makaipon kahit maliit lng ang kinikita ko