Tuesday, May 6, 2008

Fixed Merriage Sa Isang Filipina

Marami na ang nakapagsabi sa akin na maghanap ako ng Filipina na citizen dito at makipagkasundo sa fixed merriage. Ngunit ang aking problema ay wala akong pera para pambayad.

Dumating na rin sa isip ko na gawin iyon pero nangunguna parin ang aking kunsensiya. Dahil pakakasalan mo lang ang isang babae dahil gusto mong magin citizen o legal na makapagtrabaho sa isang bansa.

Marami pa naman dito ang tumatandang dalaga dahil kung ang mga lalaking Pilipino dito at puro mga babae ang mga bagong abroad na galing sa Hongkong.

Sa isang banda, kapag ito naman ay natuloy - fixed merriage, ay ano na lang ang maipagmamalaki ko sa aking mga anak kung sakaling magkatuluyan kami dahil pinakasalan ko lang siya sa kagustuhang maging permanent resident o legal na makapagtrabaho.

Kahit saan ko pa isipin, ang pakikipagkasundo sa isang fixed merriage ay kawalan ng moralidad at respeto sa sarili at pati na rin sa regulasyon ng bansang iyong tinutuluyan.

Nakukunsensiya Bilang Isang Pilipino na TNT Sa Abroad

Bilang isang TNT sa abroad, marami na rin akong natutunan sa mga tao dito. Tulad na lang ng mga sumusunod:

  • Mabuhay ng malaya at sundin ang iyang saloobin
  • Pagpapahalaga sa iyong sarili at iyong mga gawa bilang isang responsableng mamayan
  • Respeto sa kapwa tao anuman ang kanilang paniniwala
  • Pantay na pagtingin sa lahat ng tao
  • Sumunod sa mga patakaran ng gobyerno
  • Pagtulong para sa ikabubuti ng bansa
Ilan lang yan sa mga bagay na natutunan ko dito sa abroad. Pero minsan ay nakukusensiya ako dahil iligal akong naninirahan dito at nasaan na ang moralidad ko bilang isang mabuting mamamayan.

Isa lang yan sa mga bagay na gumugulo sa akin. Minsan sa kagustuhan kong maka-ipon kahit kaunti ay tinitiis ko at nilulunok na lang ang aking kunsensiya.

Saturday, May 3, 2008

Ang Kwento ng Isang Koreano

May nakausap akong matandang koreano kanina. Tinanong niya ako - "What is your nationality?" I answered, "I am a Filipino sir". Oh, ic, sabi ng koreano. You know? He said. Back in our country - South Korea. "Filipinos really works hard. And the one thing in common that I've noticed is that the Filipinos - they don't spend their money that they've earned. They just keep saving and saving it." Sabi ng koreano.

Yeah, that's what people say to the Filipinos abroad, I said. The korean replied, "You know, four years ago, I went to the Philippines for a vacation." Oh really? I replied. "Yes, a lot of Korean people spend their vacation in the Philippines because it's a lot cheaper. Some you know, they sell all their properties in South Korea and start their own business in the Philippines. You could get your own maid or helper that will work for you and you pay them a very small money. "

"You know, I stayed in Makati for a few weeks and it was very unconfortable in that place. You know why? Because there were lots of snacthers, the place was dirty and so on..."

Yeah that is the main problem right now in Manila because it is too crowded, I replied.

"The other thing is that I was taking taxi everyday and there was this taxi driver who's taking me in a different route so that he can charge me more. And I know it because I take taxi everyday. And when I told the taxi driver that he's taking a different route, he was the one who got mad at me instead." - Napailing ang koreano sa akin.

You when you go back in the Philippines, try to go in the provinces like Baguio, Tagaytay or our beautiful beaches instead, like in boracay or subic. He replied, "You an old guy like me just wants to relax in a quiet place." The, you could try to relax in Baguio, the weather is a little bit cold in that place, I replied. "You know what, the next time I will visit in the Philippines, I will go there", he said.

Spokening Dollar

Napansin nyo naba? Kapwa tayo pinoy pero nag inglisan kung mag-usap. Eto ba ay pasosyalan o tagisan ng galing?

Nasaan na ang pagmamahal ng sariling atin. Tila kusa nating itong pinapatay ng unti-unti. Nagsisimula tayo tuloy magkahiwa hiwalay. Napakalaki na ng agwat ng isang Pinoy na di marunong mag ingles sa taong marunong mag ingles.

Tila kung marunong kang mag ingles ay marunong kana at nakatataas sa lipunan. Eto ba ang ating natutunan sa atang mga ninuno?

MAGPAKATOTOO ka kaibigan. YOU ARE NOT AN ENGLISH MAN.

Kung nasa abroad ka, dapat kang magsalita ng ingles dahil ikaw ay nasa lupa nila.

Pero kung ikaw nasa Pilipinas at ingles ka ng ingles, anu ba ang gusto mong patunayan?

I guess, we are just a second rate TRYING HARD COPY CAT!

A Wish

Wish ko sana magkaroon ng respeto ang mga pulitiko sa pilipinas. Mula sa barangay captain, mayor, congressman, senador, at pangulo ng pilipinas. Isipin mo na lang ang bawat piso mong ibinubulsa, libo libong pilipino ang naghihirap.

Wish ko sana magkaroon ng respeto ang mga mamamayan sa pilipinas. Mula sa pagkabata hanggang sa mga matatanda. Isipin mo na lang and bawat pisong tinatanggap mo sa mga pulitiko, libo libong pilipino ang naghihirap.

Ang respeto sa mamamayan tila nawala na. Di man lang isipin ang aksiyon na ginawa. Kung ito man ay makasasama sa nakararami.

Tulad na lang dito sa abroad. Gagawa ng paraan ang pinoy upang di MAKAPAGBAYAD ng tax. ISIPIN mo na lang, nakikinabang ka sa kanilang bansa, di mo pa kaya maging MABUTING MAMAMAYAN.

Ang MABUTING MAMAMAYAN ay sumusunod sa patakaran. Nag-iisip ng mabuti kung ano ang mas makakabubuti sa nakararami.

Ewan ko ba kung bakit natural na ito sa mga Pilipino. Hindi na nakagugulat kung bakit naghihirap ang Pilipinas. Dahil sa mga salot ng lipunan. Na walang iniisip kundi ang sariling kapakanan.

Isipin mo na lang, anu na ang nagawa natin bilang isang indibidwal para umunlad ang ating bansa.

Tila ang mga tao ay umaasa na lang sa mga PULITIKO na paunlarin ang ating bansa.

Ang isang leader ay walang magagawa kung ang miyembro nito hindi nakikiisa.

Ang isang leader ay walang magagawa kung ang miyembro nito ay puro na lang reklamo.

Kailan ba magkakaroon ang pilipino ng respeto sa isat-isa. Isipin mo na lang, kung niresrespeto mo ang iyang kapwa ay hindi mo lolokohin kahit sila pa ay nakatalikod.

Tila ito ay isang PANAGINIP na lang. SANA MAGISING NA TAYO SA KATOTOHANAN.

A Simple Life

Ngayon ko lang naintindihan
Na ang simpleng buhay
Ay siyang mas masaya at mahalaga

Tingnan mo ang mayayaman
Magugulo ang kanilang buhay
Kung tingnan mo sa labas
Ay napakataas at maraming perlas
Pero sa kaloob looban ay mas malala pa sila

Ang Simpleng buhay
Nakakakain ng maayos
Malulusog ang mga anak
At hindi nalululong sa masamang bisyo
Ay siyang mas mahalaga

May pagpapahalaga sa maliit na bagay
Dahil ito ay pinagpaguran

May oras sa pamilya at mga anak
Ang mayayaman, puro nalang trabaho
Kanilang mga anak ay napapabayaan

Kung marami kang pangarap sa buhay
Wag mo sanang kalimutan
Na ang oras mo sa pamilya ay siyang mas mahalaga
Dahil baka mo hindi mamalayan
Ang oras na lumilipas
At pagmulat mo na lang
Taon taon na ang lumipas

Ang kasiyahan sa pera
Ay panandalian lang
Ngunit ang inilaan mong oras sa pamilya
Habang buhay mong mapapakinabangan

Thursday, May 1, 2008

Nagmumuni Muni sa Isang Tabi

Pahinga ko ngayon sa trabaho
At katatapos kong kumain ng tanghalian
Nandito ako ngayon sa isang tabi
At namumuni muni
Hawak ang bolpen at papel
Nagsusulat ng kung ano ano

Naaalala ko tuloy si Juan Tamad na natutulog
Sa ilalim ng puno at may maaliwalas na hangin

Ang ng ganitong oras at nakakapag pahinga
Pagkatapos kumain
Marami na rin akong naisulat sa aking notebook
Baka kailangan ko nang bumili ng bago
At syempre yung mumurahin lang para makatipid

Naiisip ko rin pa kanta kanta na lang
Pero baka mapagkamalan ako sira ulo dito
Namimis ko tuloy ang makinig ng radyo
At ang mga mensahe ng mga nag rerequest

Kung pwede lang akong mag request ngayon
Sana ipatugtug niyo ang "Toyang"
Ang paborito kong kanta ng Eraserheads
At inilalaan ko ang kantang ito sa munti
Naming bahay na maliit pero malinis ang kusina

Mga Minalas na TNT

Sa kasamaang palad ay nahuli sila at pinauwi
Hindi na sila makakabalik pa dito kahit kailan
Ang dinig ako ay mismong mga kaibigan ang nagsumbong

Binigyan ata sila ng $5,000 bilang pabuya bawat katao
Minalas sila sa kagustuhang kumita ng malaking pera
At magkaroon ng mas maginhawang buhay

Kayat ako dobleng ingat ginagawa ko
Salamat sa mga tumulong sa akin
At hindi nila ako ibinenta at isinumbong

Sana wag silang masilaw sa pera at isumbong ako
Kawawa naman ang aking pamilya na umaasa sa akin

Nagtitipid sa Pagkain Para Makaipon

Maliit lang aking aking kinikita
Sa munti at palihim na trabaho
Para ako ay makaipon ay tinitiis kong
Bumili ng masasarap na pagkain

Tinapay, gulay, at mumurahing karne
Ang aking pampalipas gutom
Tinitiis ko ito para sa mga umaasa sa akin
Para pagbalik ko ay maipagmalaki ako ng aking pamilya
At hindi lumabas na kahiya hiya dahil sa pag aabroad
At para may ipagyabang sa aking mga kapitbahay

Ang mamahal ng bilihin dito.
Hindi man lang ako makakain sa restaurant
Kagaya ng ibang may maayos na trabaho
Kapag nakikita ko sila ay masaya sila

Kapag wala akong trabaho at mahina ang business nila
Naglalakad ako sa mall at madami akong nakikitang tao
Namimili ng kung ano ano at kumakain ng masarap
Kasama ang kanilang pamilya o kya kasintahan
Naiinggit tuloy ako at wala akong kasamang namamasyal

Pag umuuwi ako ay naglalapad lamang ng 30 minuto
At hindi na sumasakay ng bus para makatipid
Nakakapag excersice ka ako diba
At malusog ang aking katawan

At pag lipas ng gabi ay uuwi nako sa aking tinutuluyan
Gaya ng dati para mawala ang kalungkutan
Ay nangangarap ng gising na sana manalo ako ng loto
Kahit hindi ako tumataya

Marami naring laman ang akig notebook
Kung ano anung sulat at drawing

Nandito ngayon sa aking maliit na kama
At nakabalot ng kumot habang nagsusulat ng aking buhay
Hanggang dito na muna at bukas naman
Gigising pa ako ng maaga bukas para makarami


Mag-Ingat sa mga Iligal na Recruiter

Kung ikaw ay nangangarap na mag abroad
Mag-ingat ka sa mga iligal na recruitar
At mag isip muna ng malalim bago manilawa sa
Kanilang mga magagandang offer

Yung mga nag ooffer sa kikita ka daw ng $3,000 a month
Ay malaking kalokohan iyon
Ni ang nag graduate ng college dito ay hirap makahanap ng 
Ganung kalaking sweldo

Kayat kung ikaw ay nag iisip na mag abroad
At umalis na sa maayos mong trabaho ngunit maliit na sweldo
Ikaw ay mag ingat ng husto 

Wag kang mainggit sa mga galing sa abroad na maraming pera
Hindi lahat ay sinuswerte
Para muna ring isinugal ang buhay mo
Dahil lang sa isang magaling mag recruit na ahente


Gusto Ko ng Mamatay

Minsan ay gusto ko ng mamatay para matapos na ang aking mga problema
Ngunit minsan ay naiisip ko ang aking pamilya na umaasa sa akin
Sila ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para kumayod dito
Kahit iligal ang aking paninirahan

Kung ako na lang mag isa sa buhay cguro ay tinapos kuna ang aking paghihirap
Pero para sa aking mga magulang at kapatid at sa kinabukasan nila
Ay magtitiis ako para sa kanila

Hindi baleng maghirap ako ng husto ag madusa
Kahit hindi makakain ng masarap na pagkain
Ma mimis ko na ang paborito kong adobo at sinigang ni nanay

Dito ang kinakain ko ay laging kanin at piritong karne
O kaya mga dilata na century tuna
Minsan ay gulay dahil iyon ay mura
O kaya tinapay na lang pag minsan

Hindi ako nakakabili ng ibang pagkain dahil mahal 
At para ako ay may maipadala sa aking pamilya

Minsan dalawang beses lang ako kumain
At mag tinapay na lang bago matulog
Nagsusulat ng kung ano ano at nangangarap ng gising