Saturday, May 3, 2008

A Wish

Wish ko sana magkaroon ng respeto ang mga pulitiko sa pilipinas. Mula sa barangay captain, mayor, congressman, senador, at pangulo ng pilipinas. Isipin mo na lang ang bawat piso mong ibinubulsa, libo libong pilipino ang naghihirap.

Wish ko sana magkaroon ng respeto ang mga mamamayan sa pilipinas. Mula sa pagkabata hanggang sa mga matatanda. Isipin mo na lang and bawat pisong tinatanggap mo sa mga pulitiko, libo libong pilipino ang naghihirap.

Ang respeto sa mamamayan tila nawala na. Di man lang isipin ang aksiyon na ginawa. Kung ito man ay makasasama sa nakararami.

Tulad na lang dito sa abroad. Gagawa ng paraan ang pinoy upang di MAKAPAGBAYAD ng tax. ISIPIN mo na lang, nakikinabang ka sa kanilang bansa, di mo pa kaya maging MABUTING MAMAMAYAN.

Ang MABUTING MAMAMAYAN ay sumusunod sa patakaran. Nag-iisip ng mabuti kung ano ang mas makakabubuti sa nakararami.

Ewan ko ba kung bakit natural na ito sa mga Pilipino. Hindi na nakagugulat kung bakit naghihirap ang Pilipinas. Dahil sa mga salot ng lipunan. Na walang iniisip kundi ang sariling kapakanan.

Isipin mo na lang, anu na ang nagawa natin bilang isang indibidwal para umunlad ang ating bansa.

Tila ang mga tao ay umaasa na lang sa mga PULITIKO na paunlarin ang ating bansa.

Ang isang leader ay walang magagawa kung ang miyembro nito hindi nakikiisa.

Ang isang leader ay walang magagawa kung ang miyembro nito ay puro na lang reklamo.

Kailan ba magkakaroon ang pilipino ng respeto sa isat-isa. Isipin mo na lang, kung niresrespeto mo ang iyang kapwa ay hindi mo lolokohin kahit sila pa ay nakatalikod.

Tila ito ay isang PANAGINIP na lang. SANA MAGISING NA TAYO SA KATOTOHANAN.

No comments: