Maliit lang aking aking kinikita
Sa munti at palihim na trabaho
Para ako ay makaipon ay tinitiis kong
Bumili ng masasarap na pagkain
Tinapay, gulay, at mumurahing karne
Ang aking pampalipas gutom
Tinitiis ko ito para sa mga umaasa sa akin
Para pagbalik ko ay maipagmalaki ako ng aking pamilya
At hindi lumabas na kahiya hiya dahil sa pag aabroad
At para may ipagyabang sa aking mga kapitbahay
Ang mamahal ng bilihin dito.
Hindi man lang ako makakain sa restaurant
Kagaya ng ibang may maayos na trabaho
Kapag nakikita ko sila ay masaya sila
Kapag wala akong trabaho at mahina ang business nila
Naglalakad ako sa mall at madami akong nakikitang tao
Namimili ng kung ano ano at kumakain ng masarap
Kasama ang kanilang pamilya o kya kasintahan
Naiinggit tuloy ako at wala akong kasamang namamasyal
Pag umuuwi ako ay naglalapad lamang ng 30 minuto
At hindi na sumasakay ng bus para makatipid
Nakakapag excersice ka ako diba
At malusog ang aking katawan
At pag lipas ng gabi ay uuwi nako sa aking tinutuluyan
Gaya ng dati para mawala ang kalungkutan
Ay nangangarap ng gising na sana manalo ako ng loto
Kahit hindi ako tumataya
Marami naring laman ang akig notebook
Kung ano anung sulat at drawing
Nandito ngayon sa aking maliit na kama
At nakabalot ng kumot habang nagsusulat ng aking buhay
Hanggang dito na muna at bukas naman
Gigising pa ako ng maaga bukas para makarami
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment