Ngunit minsan ay naiisip ko ang aking pamilya na umaasa sa akin
Sila ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para kumayod dito
Kahit iligal ang aking paninirahan
Kung ako na lang mag isa sa buhay cguro ay tinapos kuna ang aking paghihirap
Pero para sa aking mga magulang at kapatid at sa kinabukasan nila
Ay magtitiis ako para sa kanila
Hindi baleng maghirap ako ng husto ag madusa
Kahit hindi makakain ng masarap na pagkain
Ma mimis ko na ang paborito kong adobo at sinigang ni nanay
Dito ang kinakain ko ay laging kanin at piritong karne
O kaya mga dilata na century tuna
Minsan ay gulay dahil iyon ay mura
O kaya tinapay na lang pag minsan
Hindi ako nakakabili ng ibang pagkain dahil mahal
At para ako ay may maipadala sa aking pamilya
Minsan dalawang beses lang ako kumain
At mag tinapay na lang bago matulog
Nagsusulat ng kung ano ano at nangangarap ng gising
No comments:
Post a Comment