Thursday, May 1, 2008

Nagmumuni Muni sa Isang Tabi

Pahinga ko ngayon sa trabaho
At katatapos kong kumain ng tanghalian
Nandito ako ngayon sa isang tabi
At namumuni muni
Hawak ang bolpen at papel
Nagsusulat ng kung ano ano

Naaalala ko tuloy si Juan Tamad na natutulog
Sa ilalim ng puno at may maaliwalas na hangin

Ang ng ganitong oras at nakakapag pahinga
Pagkatapos kumain
Marami na rin akong naisulat sa aking notebook
Baka kailangan ko nang bumili ng bago
At syempre yung mumurahin lang para makatipid

Naiisip ko rin pa kanta kanta na lang
Pero baka mapagkamalan ako sira ulo dito
Namimis ko tuloy ang makinig ng radyo
At ang mga mensahe ng mga nag rerequest

Kung pwede lang akong mag request ngayon
Sana ipatugtug niyo ang "Toyang"
Ang paborito kong kanta ng Eraserheads
At inilalaan ko ang kantang ito sa munti
Naming bahay na maliit pero malinis ang kusina

1 comment:

Anonymous said...

naku ang hirap talaga pag tnt, marami akong kakilala nyan dito sa UK at marami ding mga pinoy na magaling magsumbong para lang mabigyan ng pera, nakakainis un ganun e kapwa mo pa pinoy huh, alam na nila hirap sa pinas pero baket pa nila nagagawang isumbong ung mga kapwa nila pinoy na nagpapakahirap na katulad nila ..